Tuesday, October 7, 2014

Mga paaralan sa ARMM, ligtas sa ISIS

MARIING binabulanan ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman na may mga kabataang estudyante ang hinihikayat ng grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Mindanao.


Kasunod ito ng pagkaalarma ng Department of Education (DepEd) sa mga ulat na napasok na rin umano ng mga militante ang mga paaralan sa Mindanao upang doon palakasin ang kanilang puwersa.


Ayon kay Hataman, pawang ispekulasyon lamag ang mga lumalabas na ulat na gumagawa lamang ng alarma sa publiko.


Tiniyak din ng ARMM na nananatiling ligtas at payapa ang mga paaralan sa kanilang lugar mula sa mga grupong naghahasik ng gulo. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga paaralan sa ARMM, ligtas sa ISIS


No comments:

Post a Comment