NAKAAALIW at nakababaliw itong tatlong pares na mga artistang ikakasal kuno sa taong ito at ang isa naman sa susunod pang taon. Tuwing bibili ako ng mga dyaryo araw-araw, hindi ko maiwasan na madaanan ang mga grupo-grupong mga baklita na pamilyar na ang aking mukha sa kanila. In short, nakipagkaibigan na sila sa akin.
Ang mga bayot na ito ay mahilig din sa pelikulang Tagalog man o English.
Pinag-uusapan nila itong mga ikakasal na mga artista at ang sabi ng isa, bakit daw ganun parang ipinagmamayabang ang mga bridal gowns nila at ang mga shower-shower na ‘yan at sa abroad pa mandin ginanap.
Ang yayabang nila. Hindi nila alam na maraming mga Pinoy na nagugutom at ito sila pataasan ng ihi kung kanino sa dalawang magkaaway na Heart at Marian ang mas mahal na bridal gown at si Marian naman ay pa suspense pa kung sino ang tatahi ng gown niya.
Nag-apiran ang mga bayot dahil ang akala nila dahil sa taga-ibang bansa ang tatahi, inisip nila na baka kay Ballestra, Valentino, Vera Wang at iba pang sikat na mga fashion designers. Iyon pala’y isang Pilipino na based in middle east.
Ano naman kaya ang kay Heart na ayaw din paawat sa kayabangan dahil nalaman na niya na taga-Saudi pala ang tatahi ng gown ni Marian at malamang na talbugan ni Heart ang designer ni Marian baka taga-London naman na Pilipino ang gagawa ng isusuot nito.
But! meron pa palang but, ang pinakasimple ay ang John Prats/Isabel Oli wedding na pinuri ng mga baklitang ito na tahimik lang at walang sinasabi kung sino ang designer na kursunada nila. Kuntento na sila kung anoman ang meron sila at baka sila ang magtagal na magsasama na mag-asawa at ang dalawang pares ay baka raw magkahiwalay kaagad.
Sus madre! knock on wood naman. Para sa akin kung anoman o magkano man ang ginastos nila sa kanilang pagpapakasal ay kanilang pera ‘yun. Wala na tayong pakialam si Marian at Dingdong ay parehong highest paid actors at senator naman si Chiz ay mapera rin. Ciao Bambino! MEMORABILIA/MATUK ASTORGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment