Tuesday, October 7, 2014

Mas bongga at esekola ang ipinalit!

HANGGANG sa huli, pinaninidigan pa rin ni Carl Guevara ang kanyang mga naging pahayag tungkol sa natapos na nilang relasyon ni Kris Bernal. Dahilan sa paglalabas ng hinaing ni Kris kaugnay ng pagsisiwalat ni Carl sa ilang detalye tungkol sa kanilang relasyon.Sa pagkakataong ito sinagot pa rin niya ang mga naging akusasyon sa kanya ng dating ex-girlfriend na si Kris Bernal.


“Ang sa akin, sinabi ko lang naman ang totoo, wala naman akong dinagdag! Halos lahat naman alam na, e. Tumakbo ang relasyon namin for two years, kahit on and off, kasama naman sa relasyon ‘yun.


“Wala namang relasyon na pulido, na ‘di nag-aaway.


“Sa akin naman, kahit sino, nakikita nila, e…Minsan nagmumukha na nga akong sinungaling.


“Hindi ko alam ang isasagot ko, hindi ko alam ang sasabihin ko.


“Kung ma-hurt siya, sorry, ‘yun lang totoo para sa akin.”


Nagkausap na ba uli sila ni Kris after breakup? “Hindi pa…Busy siya ata, ganun din naman ako ” sabi niya.


Kwento pa ni Carl na nasaktan siya sa pagde-deny sa kanya noon ng dating kasintahan pero tiniis niya ang lahat ng ito para lang sundin kung ano ang gusto ng dalaga para sa kanilang relasyon,


“Sa totoo lang, tao lang ako na pwedeng masaktan, syempre nakaka-hurt. Kahit nga iba kong mga kaibigan, nahe-hurt din para sa akin.


“Inintindi ko ‘yun for two years, pero ngayong bandang huli na, ako naman ang dapat masunod.


“Ang sinabi niya sa akin, dahil sa career niya, sa management, sa loveteam niya.


“Nung time na ‘yun, mahal ko siya, so syempre lahat gagawin mo.”


Bagama’t may espesyal pa rin daw siyang nararamdaman para kay Kris, tanggap ni Carl na malabo na silang magkabalikan. Pero naka-move on na raw siya sa ngayon ayon na muna daw niya ang relasyon, focus na muna daw siya sa trabaho.


=0=


Kamakailan lang ay nag-post si Direk Erik sa kanyang Instagram account ng larawan kasama ang main cast ng ‘Kubot,’ at isa pang larawan kasama ang bagong leading lady.


Pasok sa bangga ang dating Binibining Pilipinas contestant at baguhang artista na si Hanna Ledesma na siyang pumalit kay Lovi bilang leading lady ni Dingdong Dantes sa sequel ng The Aswang Chronicles, na “KUBOT” ni Direk Erik Matti.


Matatandaan na naglabas ng kanyang sintemyento si Direk Erik sa pamamagitan ng pag-post sa kaniyang social media account matapos na hindi niya muling makuha si Lovi bilang leading lady ni Dingdong sa sequel ng hit movie na The Aswang Chronicle.


Sa nasabing pelikula, mag-asawa ang naging karakter nina Lovi at Dingdong na tumabo ng husto sa takilya noong 2012.


Bukod sa pagiging former Binibining Pilipinas finalist, graduate ng Bachelor of Science in Management Information Systems specializing in Business Intelligence sa Ateneo de Manila University si Hanna. Kaya ang tanging sey lang ni Derik Erik, perfect ang chemistry ni Dingdong at Hanna para sa nasabing pelikula. SABEEEE!/THROY J. CATAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Mas bongga at esekola ang ipinalit!


No comments:

Post a Comment