KINUMPIRMA ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na posibleng tumaas ang pasahe sa MRT at LRT sa Disyembre.
Sinabi ni Michael Sagcal, spokesman ng DOTC, noong 2011 pa dapat naipatupad ang dagdag-pasahe.
Aniya, pirma na lang ni DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya at paglalathala ng abiso ang hinihintay para maipatupad ang fare hike.
Ang naturang pagtaas ng pasahe ay para maisaayos umano ang serbisyo ng mga tren.
Sakaling maipatupad ang dagdag-pasahe ay magiging P11 na ang minimum fare na dating P10 at karagdagang P1 kada kilometro. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment