Tuesday, October 7, 2014

‘Ompong,’ pinakamatinding bagyo sa mundo ngayong taon

NAGBABALA ang PAGASA sa super-typhoon Ompong dahil itinuturing itong pinakamalakas na bagyo sa mundo ngayong taon.


Sa nakalipas na 24 oras, lalo pang tumindi ang bagyo taglay na ang lakas ng hanging aabot sa 250 kilometro kada oras (kph) at 306 kph na pagbugso, ayon sa Joint Typhoon Warning Center ng U.S. Navy.


Ang super-typhoon ngayon ay isa nang Category 4 tropical cyclone at may central pressure na bumagsak na sa 905 millibars, na isang ‘indicator’ ng posibleng paglakas pa ng bagyo.


Ayon kay weather forecaster Glaiza Escullar, huli itong namataan sa layong 1,161 km. silangan ng Tuguegarao City.


Tiniyak ng PAGASA na wala itong magiging direktang epekto sa bansa at mababa ang tyansang mag-landfall ito sa bansa.


Pero palalakasin nito ang mga alon kaya may gale warning sa seaboards ng Northern Luzon at eastern seaboard ng Central Luzon.


Kumikilos si “Ompong” pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 17 kph. Inaasahang sa Sabado pa ito lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR).


Tutulak ang bagyo patungong Southern Japan.


Sa lagay ng panahon ngayong Miyerkules, asahan ang mahina hanggang katamtaman pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, ARMM at SOCCSKSARGEN.


Makaaasa naman ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan lamang sa Cagayan Valley, CAR and the provinces of Ilocos at Aurora. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Ompong,’ pinakamatinding bagyo sa mundo ngayong taon


No comments:

Post a Comment