Tuesday, October 7, 2014

Pacman hindi ipapahiya ang sarili sa PBA

HINDI ipapahiya ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ang kanyang sarili sa pagsali bilang playing-coach ng KIA Sorento.


Sinabi ni PBA Commissioner Chito Salud sa paglulunsad sa ika-40 season ng PBA sa EDSA Shangrila Hotel sa Mandaluyong City, matalino ang pambansang kamao at hindi niya hahayaang maging katawa-tawa lamang ito sa paglalaro sa PBA.


Una nang sinabi ni Pacquiao na nagpaalam na ito kay caoch Freddie Roach na maglaro sa PBA expansion team ngunit papasok lamang sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto.


Ang unang laro ng Kia Sorento laban sa Blackwater ay gaganapin sa Oktubre 19 sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan alas-3:13 ng hapon. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Pacman hindi ipapahiya ang sarili sa PBA


No comments:

Post a Comment