Tuesday, October 28, 2014

Parak, 1 pa dakip sa shabu

SWAK sa kulungan ang isang 40-anyos na pulis at kasama nito matapos madakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong nakalipas na Linggo sa isinagawang entrapment operation sa Misamis Occidental.


Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nadakip na suspek na si Senior Police Officer 2 (SPO2) Peejy Amboang, may-asawa, ng Transville Villaflor, Oroquieta City, at kasalukuyan nakatalaga sa Concepcion Municipal Police Station sa Oroquieta City, Misamis Occidental; at Robert Serino, 41, ng Purok 6, Casusan, Aloran, Misamis Occidental.


Ayon sa ulat nitong nakalipas na Oktubre 24, nadakip ng PDEA Regional Office 10 (PDEA RO10) Misamis Occidental Provincial Special Enforcement Team ang dalawa dahil umano sa pagbebenta ng isang medium-sized plastic sachet ng hinihinalang shabu sa isang poseur-buyer ng PDEA sa isang bahay sa Purok 5, Banisilon, Aloran, Misamis Occidental, dakong 1:45 ng hapon.


Matapos madakip ang suspek na si Amboang, nakuha pa sa kanyang pag-iingat ang dagdag na 122 piraso ng plastic sachets ng shabu, habang ang anim na piraso ng droga kay Serino.


Aabot sa kabuuang 25 gramo ng droga ang nakuha sa mga suspek na may halagang P175,000. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Parak, 1 pa dakip sa shabu


No comments:

Post a Comment