UMABOT sa 15 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog sa Caloocan City, Lunes ng gabi, Oktubre 27.
Sa ulat, alas-8:45 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahay ni Marlyn Esperanza sa Rajah Sulaiman St., Maypajo ng lungsod.
Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang ilang kapitbahay kung saan naapula ang apoy alas-9:30 ng gabi.
Inaalam na ng mga bumbero kung magkano ang halaga ng napinsala sa sunog at inaalam na rin kung ano ang pinagmulan ng apoy habang wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente. RENE MANAHAN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment