AYAW matawag ni Pangulong Benigno Aquino III na “epal” kaya’t hindi ito bumisita sa burol ng pinaslang na Filipino transgender Jeffrey Laude.
Bagama’t huli na ang pagpapaliwanag ay sinabi ni Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras na ayaw ni Pangulong Aquino na lumabas na peke ang kanyang pakikiramay para makakuha lamang ng “pogi points” at masabihang “epal na Pangulo”.
“Also, this thing about epal. I am sorry. You have a President who is genuine. He doesn’t want to be fake just to get more popularity points,” ayon kay Sec. Almendras.
No comment naman ang Malakanyang kung ang naging pagbisita ni Vice-President Jejomar Binay sa lamay ni Laude ay bahagi ng pangangalap nito ng boto para sa pagtakbo nito sa pagka-pangulo sa 2016 elections.
Nauna rito, nagpahayag si Pangulong Aquino ng kanyang saloobin na talagang hindi siya nagpupunta sa lamay ng mga taong hindi niya kilala.
“Parang how can I say that I really sympathize with their loss and have some relevant discussion with them on trying to assuage, ‘di ba, their loss at that point in time?” bahagi ng pahayag ng Pangulong Aquino.
Samantala, binigyang-diin ng Malakanyang na hindi binibigyan ng VIP treatment si US Marine Joseph Pemberton, pangunahing suspek sa pagpaslang kay Laude dahil sa Visiting Forces Agreement ng Pilipinas at Estados Unidos.
Aniya, “Pemberton is undergoing the same preliminary investigation that a Filipino citizen suspected of committing the same crime would also undergo.” KRIS JOSE
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment