UMAPELA ang isang solon sa kapwa niya mga mambabatas na ipasa ang panukalang batas na naglalayong itaas ang base pay para sa public school teachers sa bansa.
Alinsunod sa Senate Bill 61 ni Sen. Sonny Angara, nais nitong itaas ang salary grade level ng mga guro mula SG 11 to 19, na aabot sa P33,859.
Maliban sa salary increase, inihain din ng solon ang Sente Bill 200 na naglalayong bigyang ng karagdagang benipisyo ang mga guro tulad ng scholarship grants at free medical treatment sa ilalim ng Magna Carta for Public School Teachers or Republic Act 4670.
Sa ilalim ng panukala, maging ang dependents ng mga guro ay magkaroon din ng monthly pension sakaling dumanas ito ng permanent partial o total disability.
Naniniwala din ang mambabatas na dapat pahalagahan ang mga guro sa bansa upang maiangat ang kalidad ng edukasyon.
Sila din aniya ang itinuturing na pangalawang magulang ng mga mag-aaral kapag nasa paaralan na humuhubog para maging mabuting mga mamamayan ng bansa. LINDA BOHOL
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment