Thursday, October 2, 2014

Brandon Vera atat lumaban sa Pinas

HANDA na si Fil-Am Brandon “The Truth” Vera sa kanyang laban sa ONE Fighting Championship (ONE FC) sa darating na Disyembre.


Sasalang si Vera sa ONE FC’s heavyweight division.


Kabilang sa mga pinagpipiliang itapat kay Vera ay sina Chi Lewis Parry, Chris Lokteff, James McSweeney at Paul Cheng.


Inamin ng Fil-Am fighter na excited na siyang sumabak sa laban na tinaguriang “One FC: Warrior’s Way” dahil lalaban siya sa harap ng kanyang mga kababayan.


“I am so excited to compete in Manila for the first time with ONE FC,” ani Vera.


Dagdag ni Vera, kahit noong unang laban pa lamang niya ay nakasuporta na sa kanya ang Pinoy fans.


“The fans in the Philippines have been behind my entire career and I want to repay their faith by giving them an exciting performance and bringing my best into the ONE FC cage for a victorious debut this December,” dagdag pa ng Fil-Am fighter. RICO NAVARRO


.. Continue: Remate.ph (source)



Brandon Vera atat lumaban sa Pinas


No comments:

Post a Comment