Friday, October 3, 2014

Panay Island, inuga ng 5.5 magnitude na lindol

INUGA ng 5.5 magnitude na lindol ang Northern Panay Island kaninang hapon, Oktubre 3, Biyernes.


Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng lindol sa may 7 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Tibiao sa lalawigan ng Antique dakong 4:05 ng hapon.


Ang origin ng lindol ay tectonic at nakapagtala ito ng 53 kilometrong lalim ng lupa.


Naramdaman ang intensity 5 na lindol sa Kalibo, Aklan at Sebaste, Antique.


Habang naitala naman ang intensity 4 na pagyanig sa San Jose, Antique at intensity 3 na lindol naman sa La Carlota City.


Wala namang naiulat na naapektuhan ang naturang lindol at wala ding aftershocks. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Panay Island, inuga ng 5.5 magnitude na lindol


No comments:

Post a Comment