Friday, October 3, 2014

Pagbaba sa puwesto ni PNoy walang basehan

TINIYAK ng liderato ng Senado na walang basehan ang panawagan ng transport group na bumaba na sa puwesto si Pangulong Noynoy Aquino.


“Absolutely no basis and uncalled for,” ani Senate Pres. Franklin Drilon sa isang radio interview nitong Biyernes.


Aniya, hindi pa rin tiyak ni PNoy kung papaboran niya ang anomang pag-amyenda sa Konstitusyon na magbibigay sa kanya ng oportunidad para sa ikalawang termino.


“Ang sabi naman ng Pangulo ay makikinig siya. I’m sure the President is reading the surveys,” aniya.


Bilang vice chairman ng Liberal Party, nakapokus aniya ang partido na matiyak na mananatili ang mga reporma sa bansa na nasimulan sa loob ng 4 na taon.


Sinoman aniyang uupo sa 2016 ay hindi ito babaguhin. LINDA BOHOL


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagbaba sa puwesto ni PNoy walang basehan


No comments:

Post a Comment