Friday, October 3, 2014

Marcos museum sa Batac, ni-raid ng NBI

SINALAKAY ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang Marcos Museum sa Batac City, Ilocos Norte kaninang umaga, Oktubre 3.


Target ng raid ang mahigit 100 paintings na koleksyon ng pamilya na bahagi umano ng kanilang ill-gotten wealth na ipinababawi ng Sandiganbayan.


Bandang 10 a.m. nang isagawa ang raid pero makalipas ang isang oras na paghalughog ay walang nakitang painting ang mga awtoridad.


Ayon sa PCGG, tanging mga litrato ng pamilya Marcos ang nakita nila sa nasabing mansyon.


Naging maayos naman ang operasyon ng NBI at PCGG na inobserbahan pa ng ilang empleyado ni Rep. Imelda Marcos.


Wala pang reaksyon si Gov. Imee Marcos hinggil sa insidente pero una na nitong ipinaubaya sa kanilang mga abogado ang isyu.


Bago ang Marcos Museum sa Ilocos, matatandaang pinasok na rin ng mga awtoridad ang ancestral home ng mga Marcos sa San Juan City at kinumpiska ang may 15 European pantings. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Marcos museum sa Batac, ni-raid ng NBI


No comments:

Post a Comment