HAHARANGIN sa korte ng ilang mga grupo ang gagawing integration ng Manila International Airport Authority (MIAA) na isama sa mga airline tickets ang paniningil sa terminal fee ng isang biyahero.
Ayon kay dating Undersecretary at DWIZ Anchor na si Susan “Toots” Ople ng Blas F Ople Policy Center, labag ang naturang patakaran sa itinatakda ng Migrant Workers Act ang nasabing polisiya.
Nakasaad sa batas na exempted ang mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa pagbabayad ng terminal fee at travel tax kaya’t naniniwala siyang maraming OFW’s ang tiyak na sasakit ang ulo.
Bagama’t kinikilala pa rin sa bagong sistema ang exemption sa mga OFW’s sa pagbabayad ng terminal fee ngunit kailangan munang kumuha ang mga ito ng sertipikasyon mula sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA) o ng MIAA bilang patunay na sila’y OFW.
Sa sandaling mabigo naman ang isang OFW na magbigay ng kaukulang patunay sa sandaling bumili ito ng ticket, babayaran ng OFW ang kabuuang P550 na terminal fee kasama ng ticket ngunit maaari naman itong i-refund sa NAIA. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment