Monday, October 6, 2014

ISIS, naka-iimpluwensya na sa Mindanao — MILF

HINDI malabong makapanghikayat ng mga Pinoy ang Jihadist group na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Mindanao.


Ito ang paniniwala ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa sandaling mabigo ang pamahalaan na maisalya bilang batas ang Bangsamoro Basic Law.


Ayon kay MILF Peace Panel Chief Mohager Iqbal, dapat ipakita ng pamahalaan na may pagkakaisa sa magkabilang panig at sinsero ito sa pagtatamo ng ganap na kapayapaan sa Mindanao.


Sa ganitong paraan, sinabi ni Iqbal na maiiwasan na maimpluwensyahan ng mga Jihadist group ang mga Pilipinong muslim na umanib sa kanila.


Pagtitiyak din ni Iqbal, handa silang tumulong upang pulbusin ang ISIS sa sandaling bigyan na sila ng kapangyarihan na supilin ito sa ilalim ng ipapasang batas. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



ISIS, naka-iimpluwensya na sa Mindanao — MILF


No comments:

Post a Comment