PATULOY na ipinagdiriwang hanggang ngayon ang mapayapang paggunita ng mga kapatid na Muslim ang tatlong araw na eid’l adha o ang feast of sacrifice simula pa noong Sabado.
Dagsa sa mga mosque ang mga Muslim upang doon sama-samang manalangin kasabay na ang pagsasagawa ng tradisyunal na qurban o ang banal na pagkatay sa mga hayop.
Sumisimbulo ito sa ginawang pagsasakripisyo ni propeta Ibrahim nang i-alay nito kay Allah ang kaniyang anak na si Isaac bilang pagsunod sa utos nito.
Sa Naga City naman, mahigit 100 pamilya ang nagsalo sa mga kinatay na kambing sa barangay Pequenia.
Nasa 200 baka naman ang kinatay sa pangunguna ng Filipino-Turkish Tolerance School sa Zamboanga City na 8,000 Muslim at Kristiyanong pamilya mula sa Zamboanga City, Basilan at Zamboanga Sibugay ang nagsalu-salo. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment