APRUBADO na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang committee report para sa postponement ng Sangguniang Kabataan hanggang sa 2016.
Ang consolidated version ng House Bills 5006 at 5043 ay naglalayong bigyang-daan muna ang malawak na reporma sa sistema ng SK.
Nakatakda ang susunod na SK elections sa February 2015 pero sa panukala sa Kamara ay isinusulong ang pagpapaliban dito upang isabay na lamang ito sa Barangay elections sa 2016.
Siniguro naman ni Capiz Rep. Fredenil Castro, chairman ng komite na isusumite na nila ang committee report sa Rules Committee para matalakay ito sa plenaryo.
Hindi naman sakop nito ang mga repormang kailangan sa SK dahil ang House Local Government committee ang bahala dito.
Iginiit ni sinabi ni Castro na dapat maging metikuloso ang Kongreso sa paglalapat ng reporma sa SK para hindi mauwi sa pagiging half-baked o half-cooked na naman nito. MELIZA MALUNTAG
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment