Tuesday, October 28, 2014

BABALA MULA SA GLOBE TELECOM

NAGLAGAY ng mas striktong hakbang ang Globe Telecom upang mapababa at masugpo ang mga katiwalian at maipagsanggalang din ang mga kostumers upang hindi mabiktima nang tinatawag na share-a-load transactions via SMS.


Simula sa unang bahagi ng Agosto, naglagay ang Globe Telecom ng isang sistema na naglilimita sa halaga ng share-a-load transaction sa maximum na P150.00 sa prepaid kostumers at P300.00 para sa postpaid kostumers. Sa sistemang ito, natutulungan ang postpaid kostumers ang paglilimita sa pagbabahagi ng P500.00 load credit. Lumilitaw sa buwanang billing statement ng kostomer ang bawat transaksyon ng share-a-load.


Bilang karagdagang hakbang, ang kostumer ay bibigyan ng pagpipilian upang makumpirma ang kanilang transaksyon, sa pamamagitan ng validation text na nagtatanong sa mga kostumers kung siguradong gusto nila ang Share-a-Load.


Ang validation text ay sinimulang ipatupad noong Setyembre 08, 2014.


Inilagay ng Globe Telecom ang hakbang na ito base na rin sa report at reklamo mula sa mga kostumers tungkol sa iba’t ibang scams na nagsasaad ng sari-saring paraan tulad ng rewards, royalty, MSF discount, roaming at bill overcharge, waiver of charges, refund at iba pa.


Mga halimbawa ng mga daya o mapanlokong text messages na natanggap ng inyong lingkod:


• GLOBE POSTPAID UPDATE – You have been charged P300 for using TRACKING DEVICE, and will be added to your on top of your next bill. For info on how to STOP this transaction. Txt 300 <space> STOP send to 29357862239.


• GLOBE POSTPAID ADVISORY – You are currently charged P300.00 for purposefully and decidedly texting three (3) roaming numbers that are roaming currently as of the moment today (loc. Guam and Switzerland). To deactivate (or “remove”) said charges just text 300 1212 and send to 29169263288 ex. 300 1212 send to 29169263288


• GLOBE POSTPAID ADVISORY – You have been charged P300 for texting roaming numbers. To deactivate charges just text 300 1212 to 29058075343. ANG INYONG LINGKOD/DR. HILDA ONG


.. Continue: Remate.ph (source)



BABALA MULA SA GLOBE TELECOM


No comments:

Post a Comment