BUMUO na ng isang Board of Inquiry (BOI) para imbestigahan ang pagkamatay ng isang Navy Officer habang sumasailalim sa training at miyembro ng Naval Special Operations Group (NAVSOG).
Ikinalungkot ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jesus Millan Millan ang nangyari sa Navy Ensign at sinabing ang training ang siyang pinakamahirap sa NAVSOG na isa sa mga elite units ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Inihayag ng heneral na nais nitong mabatid kung nagkaroon ng lapses sa standard operating procedure (SOP) habang ongoing ang training.
Ayon kay Millan sa isasagawang imbestigasyon matutukoy kung sumusunod sa safety precautions ang mga trainors at kung may mananagot dapat mabigyan ng kaparusahan.
Tiniyak ng Navy chief na kanyang tututukan ang nasabing kaso at papanagutin kung sino ang responsable.
Narekober ng mga NAVSOG personnel ang katawan ni Ensign Jan Clet Labalan, 23, tubong Zamboanga del Sur, tatlong nautical miles mula Sangley Point bandang alas-3:20 ng hapon noong Biyernes.
Batay sa resulta ng autopsy, pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay ng Navy officer.
Si Labalan ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) class 2013.
Nabatid na nagsimula ang training Hunyo at nakatakdang magtatapos ngayong Oktubre. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment