Saturday, October 4, 2014

Pagkadamay ng ilang mediamen sa HK, inalmahan

UMALMA ang Foreign Correspondents’ Club dahil sa pagkadamay ng ilang mga foreign journalist sa pang-aatake sa Hong Kong habang nagko-cover sa mga nagpoprotesta.


Ayon sa grupo, nababahala sila sa sunod-sunod na insidente na kinasangkutan ng mga babae at lalaking journalist, na meron ding mga freelance reporters at ilang student journalist na nasaktan.


Tinukoy pa ng grupo ang isang reporter ng RTHK na binugbog daw ng pulis.


Isa namang foreign journalist ang binato ng bottled water ng mga anti-occupy protester.


Isa ring babaeng reporter ang sinaktan habang may ilan namang nakaranas ng sexual assault.


Pero hanggang ngayon ay wala namang naaaresto ang mga awtoridad.


Dahil dito, naaalarma umano ang journalist group sa ganitong mga pangyayari dahil malaya naman ang pamamahayag sa Hong Kong.


Kung magpapatuloy, makasisira umano ito sa imahe ng Hong Kong lalo na sa labas ng bansa. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagkadamay ng ilang mediamen sa HK, inalmahan


No comments:

Post a Comment