Saturday, October 4, 2014

Ilang kalsada sa Maynila, sarado sa 2014 Bar exam

NAGPATUPAD na ng no-parking zone ang sa apat na kalsadang malapit sa University of Sto. Tomas (UST) ang Manila Police District (MPD) kaugnay sa idaraos na bar exam.


Samantala, nakaalalay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lokal na pamahalaan ng Maynila bilang paghahanda sakaling muling umulan at bahain na naman ang bahagi ng lungsod, lalo’t ngayong araw ang unang Linggo ng 2014 Bar examinations.


Magugunitang ilang araw nang binabaha ang mga lansangan ng Metro Manila kapag bumubuhos ang malakas na ulan.


Kabilang sa mga bawal paradahan ang España Boulevard, A.H. Lacson Avenue, Dapitan at P. Noval.


Iiral ito tuwing Linggo sa buong buwan ng Oktubre, mula alas-10:30 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Ilang kalsada sa Maynila, sarado sa 2014 Bar exam


No comments:

Post a Comment