PATAY ang isang lalaking magtitirik ng kandila makaraang saksakin ito sa kumbento ng Bgy. San Vicente sa bayan ng Dulag, Leyte.
Kinilala ang biktima na si Romeo Cordero, 50, ng Bgy. San Vicente sa nasabing bayan habang ang suspek ay kinilalang si Julio Dunuga, 46, ng Bgy. Rawis Dulag.
Batay sa report ng Dulag PS, magtitirik sana ang ng kandila ang biktima sa kumbento nang biglang lapitan ng suspek at agad na sinaksak.
Agad itong binawian ng buhay sa ospital dahil sa dami ng dugong nawala.
Napag-alamang personal na galit ang motibo sa pagpatay sa biktima.
Sa ngayon ay nasa kustodiya ng mga kapulisan ang suspek at nahaharap sa kasong murder. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment