Monday, October 6, 2014

ASEAN integration, malaking hamon sa ekonomiya ng bansa

NANINIWALA ang Department of Foreign Affairs (DFA) na malaking hamon sa mga industriya sa bansa ang napipintong ASEAN integration sa aspeto ng ekonomiya.


Ito’y sa dahilang magiging mahigpit ang kumpetisyon sa mga local at imported products na inaasahang babaha sa bansa.


Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman at Assistant Secretary Charles Jose na magsisilbing hamon sa mga local producers kung paano paghusayin ang kanilang mga produkto para maging competetive sa ibang bansa sa Asya.


Sa ilalim ng ASEAN integration, magiging malaya na ang pagpasok ng mga produkto ng iba’t ibang bansa sa Asya sa Pilipinas, gayundin ang pagpasok naman ng Philippine products sa ibang bansa. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



ASEAN integration, malaking hamon sa ekonomiya ng bansa


No comments:

Post a Comment