Tuesday, October 28, 2014

P8B Bangsamoro fund, ‘di kasali sa 2015 budget

HINDI isinama ng Kamara para maisingit sa 2015 ang P8-billion budget na alokasyon para sa Bangsamoro.


Ayon kay House majority leader Neptali Gonzales II, hindi pa napapagtibay ang Bangsamoro Basic Law (BBL).


Hindi umano maaaring paglaanan ng pondo ang isang hakbang na hindi pa naisasabatas gaya ng BBL samantalang madali namang humingi ng budget para sa Bangsamoro sa oras na mailarga na ang BBL.


Sinabi ni Gonzales na ang alokasyon sa Bangsamoro ay isa lamang sa nilalaman ng errata sa budget na hindi inaprubahan ng komite ng Kamara.


Maliban dito, hindi rin ibinigay ng buo ang P1.6-billion para sa Bureau of Customs (BoC) bagkus inilaan lamang dito ang P900-million samantalang ang halos P800-million ay hinati-hati naman sa NBI, Bureau of Immigration (BI) at iba pang tanggapan ng walang capital outlay.


Nilinaw ni Gonzales ang mga puntong ito para harangin ang paglalabas ng bayan muna ng kopya ng errata na hindi naman anya nakalusot ang kabuuan sa komite ng kapulungan.


Kasabay nito, inamin ng House leader na pinanatili nila ang probisyon para sa savings na pwedeng ipaabandona ng Presidente ang proyekto basta may sapat na dahilan.


Taliwas sa desisyon ng Korte Suprema na pwede lamang ideklara ang savings sa pagtatapos ng taon, sa ilalim ng 2015 budget ay pinapayagan ang deklarasyon ng savings tuwing bawat semestre. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



P8B Bangsamoro fund, ‘di kasali sa 2015 budget


No comments:

Post a Comment