SI Vice-President Jejomar Binay ay maitim at ang tawag sa mga taong maitim ay Nognog nahango naman sa isang Pinoy cartoon character na kakulay ng mga Aeta.
Walang masama sa pagiging maitim basta ba maputi naman ang hangarin ng isang tao sa kanyang kapwa.
Ang problema lang ni Binay ay sangkot siya ngayon sa napakaraming paratang ng pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Ang pangalan naman ni Jejomar ay hango sa mga salitang Jesus, Jose at Maria na larawan ng kabanalan.
May joke nga nang isilang si Jejomar ay napasigaw ang kanyang komadrona: Jesusmariosep!
Bakit kaya?
Ang mga Aeta o Nognog ay uring mahirap, hindi katulad ng mga kayumanggi at mga tisoy.
Sinasabi ni Jojo Binay na siya ay galing sa angkan ng mga mahihirap.
Noon ‘yon, ang sabi naman ng mga tumutuligsa sa kanya.
Bilyon-bilyong piso na raw ang kinita ni Binay buhat nang maging alkalde ng Makati, kayamanang mahirap paniwalaan, sabi ng kanyang mga kalaban.
Ayon kay VP Binay, ang Oplan Nognog ay inilunsad ng mga mayayaman laban sa isang mahirap na katulad niya.
Diretso niyang pinagbintangan si Sec. Mar Roxas na natalo laban kay Binay noong nakaraang eleksyon.
Mukhang ang pahiwatig ni Binay ay ang labanan sa pagka-Pangulo sa susunod na election ay labanan ng mga mahihirap versus mayayaman, at labanan ng mga maiitim versus hindi maiitim.
Ang labanan ay mukhang hindi na sa usaping nagnakaw ba si Binay at kanyang pamilya o hindi na siyang dinidinig sa Blue Ribbon sub-committee ng Senado.
Ngunit hindi rin nakatitiyak si Binay sa pagkapanalo dahil lamang kakampi niya ang dalawang UP professor na sina Harry Roque at Clarita Carlos, bukod pa sa Boy Scouts of the Philippines (BSP) na siya ang pangulo for the longest time.
Dapat na maging mapanuri tayo.
Nagnakaw ba talaga ang mga Binay o hindi? DEEP FRIED/RAUL VALINO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment