NAHIHIBANG si Sen. Miriam Defensor-Santiago nang ipatawag sa Senado “in aid of legislation” ang baklang kasama ni Jeffrey Laude bago natagpuang patay sa isang mumurahing hotel (hindi Motor Hotel o Motel) sa Olongapo at kapatid nito.
Ito Ang Totoo: pagrepaso sa Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at US ang layon ng pagdinig ng “Foreign Affairs Committee” ng Senado na pinamumunuan ni Santiago.
Kuwestyonable na kung bakit si Michelle Laude at Mark Clarence Gelviro ay kailangang humarap sa Senado pero mas kuwestyunable pa ang mga tanong ni Santiago.
Tanungin ba naman ni Santiago si Michelle kung “sex worker” si Jeffrey, na nagpalaki ng suso at nagsusuot ng damit babae kahit ang ibabang ari ay naroon pa rin.
Natural ang isasagot ng kapatid ay “hindi naman po.”
Ano ang kinalaman ng pagiging “sex worker” o pagkamatay nito sa VFA?
At kung may kinalaman man, hindi si Michelle ang tamang taong tinatanong.
Kapatid niya iyon, eh.
Ito Ang Totoo, hindi masasagot ang tanong kung “sex worker” o hindi si Laude ng simpleng OO o HINDI.
Pero kung talagang gustong malaman ay matutukoy naman sa imbestigasyon ng kanyang pinaggagagawa habang nabubuhay pa.
Napakabigat ng mga usapin na saklaw ng VFA, kasama na ang pambansang seguridad sa harap ng pang-aagaw ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas at pagpasok ng milyon-milyong piso sa ekonomiya tuwing may barko ng US Navy hindi lamang sa Olongapo kundi pati sa ibang lugar, halimbawa ang Baguio, partikular ang sektor ng agrikultura nito.
Kaya ano ang ginagawa nina Michelle at Gelviro sa Senado sa pagpapatawag ni Santiago?
May “legislation” bang maipapasa kaugnay nito o umeepal kundi nahihibang lang si Santiago?
***
Si TSgt. Mariano Pamittan ay tumanggap ng rekognisyon dahil daw sa “professionalism and restraint” sa pag-atake sa kanya ng alemang si Marc Suselbeck, bakla ring karelasyon ni Laude, nang iligal na pasukin nito ang bakuran ng kinalalagyan ng “respondent” na Amerikano sa loob ng Kampo Aguinaldo.
AFP Chief Gen. Gregorio Catapang, hindi award ang dapat na ibigay kay Pamittan kundi parusa.
Pati mga kasamahan niya, dahil hindi dinakip si Suselbeck sa paglabag nito sa batas at patakaran ng kampo. Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment