Tuesday, October 7, 2014

Taal volcano, aktibo na rin

BUKOD sa Mayon volcano sa Albay, nag-aalburuto na rin ang Taal volcano sa Batangas.


Dahil dito, ipinagbabawal na ngayon ng Philippine Institute of Volcanology anad Seismology (PHIVOLCS) ang paglapit sa bulkan.


Ayon sa Phivolcs, nakapagtala ang nasabing bulkan ng limang volcanic quake sa loob lamang ng 24 oras.


Tumaas na rin ang temperatura ng tubig sa paligid nito at pati ang pagbuga ng asupre na umabot na 1800 na tonelada.


Gayunman, nananatili pa rin sa alert level 1 ang bulkan ngunit inabisuhan na ang mga residenteng iwasan ang paglapit sa bulkan lalo na sa crater nito. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Taal volcano, aktibo na rin


No comments:

Post a Comment