Wednesday, October 1, 2014

OFWs sa Hongkong, pinaiiwas sa Hongkong protest

NANAWAGAN ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga overseas Filipino workers sa Hongkong na umiwas at huwag makilahok sa nagaganap na pro-democracy rally sa naturang bansa.


Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, na regular silang nakikipag-ugnayan sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) and the Philippine Consulate in Hong Kong, upang i-monitor ang sitwasyon doon.


“The reason you are in Hong Kong is to work, not to engage in any political activity,” payo pa ni Baldoz matapos makatanggap ng ulat na ilang Filipino OFW ang nakikilahok sa Hongkong protest.


Pinayuhan din ni Baldoz ang mga OFW’s na mag-ingat at maging alerto sa kanilang araw-araw na aktibidades.


“Be alert and go on with your regular routine, but avoid places where marches and protests are happening,” ayon pa kay Baldoz.


Samantala, sa report naman ni Assistant Labor Attache Ma. Nena German, POLO officer-in-charge, nanatili namang kalmado at ligtas ang opisina ng POLO at Philippine Consulate sa lugar kung saan nagaganap ang rally. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



OFWs sa Hongkong, pinaiiwas sa Hongkong protest


No comments:

Post a Comment