Wednesday, October 1, 2014

Magkapatid, tepok sa sunog

KANINANG umaga lamang, Oktubre 2, narekober ng awtoridad ang bangkay ng magkapatid na na-trap sa kanilang nasunog na bahay sa Cebu nitong Miyerkules ng gabi.


Sa loob mismo ng kuwarto ng magkapatid na sina Raffy 6, at Mikay, 5 natagpuan ng mga fire personnel ang kanilang sunog na bangkay.


Sa ulat, naganap ang sunog dakong 6:35 nitong Miyerkules ng gabi sa bahay ng isang Rudy Bandibas sa may sitio Binabag, Bgy. Tayod, lungsod ng Consolacion.


Sa pagsisiyasat ni SFO1 Jemeserio Buris ng Consolacion Fire Station, nagmula ang sunog sa kuwarto ng magkapatid.


Ayon sa mga caretaker ng bahay, tinangka nilang pasukin ang kuwarto ng magkapatid pero dahil malaki na ang apoy, hindi na nila nailigtas pa ang mga paslit.


Isa naman sa sinisilip na dahil ng sunog ay paglalaro ng posporo ng magkapatid.


Samantala, inihimlay na sa isang punerarya ang bangkay ng dalawang bata habang hinihintay naman ang pagdating ni Bandibas at ang misis nito na nasa Metro Manila nang maganap ang insidente. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Magkapatid, tepok sa sunog


No comments:

Post a Comment