Wednesday, October 1, 2014

Claret School sa QC, sinuspinde sa bomb threat

PINAUWI ng pamunuan ng Claret School sa Quezon City ang kanilang mga estudyante nang makatanggap ng bomb threat kaninang umaga, Oktubre 2.


Sinabi ni SPO4 Victor de Leon ng Quezon City Police District (QCPD) na natanggap nila ang impormasyon dakong 9 a.m.


Agad namang nagpadala ng mga tauhan ng Ordinance Disposal Unit ang QCPD para i-cordone ang nasabing eskwelahan.


Pero sa kanilang paghahalughog sa kabuuan ng school campus, wala silang nakitang anomang bomba.


Habang naghahanap ng bomba, sinabihan ang mga mag-aaral na magpunta sa kanilang gym at hintaying sunduin sila ng kanilang mga magulang. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Claret School sa QC, sinuspinde sa bomb threat


No comments:

Post a Comment