Monday, October 27, 2014

OBET SAMSON IS THE MAN

SA dinami-rami ng naging kakilala at kaibigan ng inyong lingkod, masasabi ko nang walang pagdududa na kakaiba itong si Konsehal Obet Samson ng Caloocan City sa larangan ng serbisyo-publiko.


Bakit kamo? Aba’y paanong hindi mo ito bibiliban, eh, kahit walang sapat na pondo mula sa kanyang opisina para sa mga malalaking programa upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente lalo na sa kanyang kinasasakupan sa District 2 ng lungsod, diskarte at determinasyon ang pinaiiral nito.


Talagang matutuwa ka sa taong ito kasi araw-araw na lang halos lagi na may mahabang pila sa labas at loob ng opisina nito sa City Hall na hindi regular na tanawin sa ibang councilors’ offices.


Ayon kay Councilor Obet, na close sa mediamen, maging ‘maliit o malaki’ ka man dahil sa kanya lahat ay pantay-pantay.


Sinisigurado n’ya sa kanyang staff na laging uunahin at ibigay ang dapat na serbisyo sa mga humihingi ng tulong sa kanya dahil, aniya, hindi sila magtitiyaga na pumila kung wala silang mahalagang sadya.


Hindi umuuwi nang luhaan ang bawat residente na lumalapit sa kanya at humiling ng tulong.


Para sa kanya, kahit halos sa sariling bulsa na n’ya kinukuha para mapagbigyan ang lahat na lumalapit sa kanya, hindi n’ya ito alintana.


In the first place, ayon sa kanya, ginusto n’ya ang maglingkod kaya dapat fulfilling, ika nga.


“At saka pag makita mo lang sa mga tao ang kanilang matatamis na ngiti, okey na sa akin. Sobrang masaya na ako kasi ang sarap ng feeling kapag nakikita ko na masaya sila, lalo na iyong mga hirap sa buhay,” ayon kay Councilor Obet.


Hindi d’yan nagtatapos ang kanyang serbisyo-publiko.


Naisip niya mas magiging makabuluhan kung magtayo siya ng isang school at itinayo nga niya ang Technocom Computer Learning School sa A. Mabini St. nitong Enero kung saan may 200 estudyante na ang nakapagtapos nang libre sa mahahalagang kurso tungkol sa basic programming, encoding at adobe photoshop.


Sa kasalukuyan, lalong dumarami pa at may 150 na estudyante ang libreng nag-aaral sa Technocom ni Councilor Obet na walang pinipili maging tricycle, pedicab at jeepney driver o maging sinoman sa mga barangay as long as lehitimo silang residente at may kagustuhang matuto at gumanda ang buhay.


Lahat ng assistance – medical, financial at burial – pati free cataract operation at gamot, lahat ng iyan ibinibigay ni Councilor Obet nang walang pagdududa at bukal sa kanyang loob.


Teka meron pa, eto lang ata si Councilor Obet ang nag-hire ng therapists na kanyang sinuswelduhan at araw-araw na gumagala sa buong distrito at nagsasagawa ng libreng therapy lalo na sa mga residente na na-stroke o kahit iyong sadyang nangangailangan ng physical therapy, lalong-lalo na ang mga senior citizen ng lungsod.


Wala naman akong masasabi sa ibang konsehal ng lungsod, kasama si Vice Mayor Maca Asistio III, lahat naman halos ay masisipag at talagang hindi talo ang mamamayan sa pagkakaluklok sa kanila.


Pero nasabi ko na, kakaiba talaga itong aking kaibigan na si Councilor Obet.


Sana dumami pa ang lahi mo! GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO


.. Continue: Remate.ph (source)



OBET SAMSON IS THE MAN


No comments:

Post a Comment