Monday, October 27, 2014

Sikat na aktres nanglilimos ng project sa malaking TV network

DURING the peak years of her career, bukod sa kilalang mataray ay wala rin sa bokabularyo ni sikat pa rin namang aktres ang makiusap sa movie producer at TV network para magka-project siya. When it comes to her career, very strict si aktres at hindi siya direktang nakakausap ng produ ng gustong kumuha ng service niya. Ang SOP niya lagi ay kailangan magdaan ka muna sa manager niya bago mo siya makausap at makaharap.


Well, may point naman si aktres dahil ‘yan naman talaga ang kalakaran sa showbiz. Kaya lang kapag dumarating na sa time na gipit at sobrang nangangailangan ang tinutukoy nating veteran actress ay mabilis na bumababa ang kanyang pride. Noong hiwalayan nga siya ng kanyang mister na TV host-actor na unang naging husband ng isang actress/politician, talagang walang kiyeme itong tumawag sa amiga niyang beteranang orocan na kolumnista para humingi ng tulong financial at mag-emote na rin ng refrigerator kasi nalimas raw ang lahat ng gamit niya.


Ngayong balik sa dating gawi si mahusay na aktres at pana’y raw ang kumusta at paramdam nito sa network kung saan nagkaroon siya ng hit kunong teleserye. Kaso mo, busy raw lahat ang mga executive na dating ka-chika niya kaya hanggang ngayon ay no project pa rin si aktres rito. Ang problema raw kasi ay hindi naging maganda ang relasyon ni aktres sa production kung saan bukod sa sakit na sa ulo ang pagiging daldakina niya, walang kupas pa rin ang kanyang katarayan. Bakit kasi hindi magbago nang sa ganoon ay hindi siya mawalan ng proyekto. Kaluoy (kawawa) naman gyud!


IKAW LAMANG THE FULL CIRCLE FINALE EPISODE, LAMPAS 32% ANG RATING


Bukod sa mahusay sa drama at triplehin mo ang galing niya rito, pwede ring maging action star si Coco Martin. Dati nang ipinakita ni Coco ang galing niya sa mga action scenes sa mga nauna nitong teleserye sa Dreamscape. At sa finale episode ng Ikaw Lamang the full cirlce last Friday ay muling sumabak si Coco sa maaksyong eksena sa fight scene nila ng kontrabidang si Sen. Franco (Christoper de Leon) at mga tauhan ng politiko. At ang nasabing big scene ang siyang highlight sa pagtatapos ng #1 Kapamilya primetime bida series at sobrang hirap ng mga ginawa nina Coco at Boyet rito kung saan pareho silang nahulog sa barko nang pasabugin ito ng mga tauhan ni Franco.


Ang galing-galing ni Kim Chiu bilang Jacq sa confrontation scene nila ng daddy na si Franco kung saan nakahanda na naman siyang magsakrispisyo alang-alang sa pagmamahal niya kay Gabriel. Nakiusap at nagmakaawa ito sa kanyang Daddy na huwag nitong patayin si Gabriel at nakahanda siyang bumalik sa poder nito kasama ang kapatid na si Natalia (KC Concepcion) at Mama na si Isabelle played by Amy Austria at maging buo sila, basta’t palayain lang nito si Gabriel. Pero dahil sa halang talaga ang kaluluwa ng ama, tinangka pa rin nitong patayin si Gabriel tulad ng kanyang ginawa sa ama nitong si Samuel (Joel Torre). Pero dahil parating nanaig ang kabutihan sa kasamaan, si Franco ang namatay nang mahulog siya sa barko at natusok ng bakal.


Sa ending, nagsama-sama ang lahat at ikinasal sina Gabriel at Jacq na dinaluhan ng mga Kapamilya.


Sobrang layo na nang narating ng Ikaw Lamang simula ng ipalabas ito noong March 10, 2014 na nag-end nga last October 24. Maliban sa matagal itong nanguna sa ratings sa mga primetime bida teleserye at madalas mag-trending sa social media, isa rin ito sa paboritong panoorin worldwide sa TFC at tumanggap ng maraming papuri at awards. At kapuri-puri rin ang husay at galing ng mga director ng master teleserye na sina Direk Malu Sevilla, Avel E. Sunpongco at Manny Q. Palo, buong creative team ng Dreamscape at head nito na si Sir Deo Endrinal at Ms. Julie Anne R. Benitez. Super job well done gyud! WALANG KIYEME/PETER LEDESMA


.. Continue: Remate.ph (source)



Sikat na aktres nanglilimos ng project sa malaking TV network


No comments:

Post a Comment