NAGAWANG patauubin ng National University Bulldogs ang Ateneo Blue Eagles sa iskor na, 65-63, at ngayo’y uusad na UAAP season 77 senior men’s basketball finals.
Lamang pa ang Ateneo, 60-63, dalawang minuto na lang ang nalalabi sa laro nang bumira ng tres si Gelo Alolino ng NU na nagpatabla sa laban, 63-all.
Kumana naman ng fade-away jumper si ADMU star Kiefer Ravena ngunit nabigo ito.
Nakakuha naman ng foul si Alolino at naipasok ang dalawang free throw may 9.3 segundo na lang sa gameclock, 65-63.
Nagkaroon pa ng diskusyon na tumagal ng 30-minuto bago matapos ang laro.
Sinubukan pa ni Ravena na dalhin ang laban sa overtime ngunit tila talagang sa Bulldogs ang larong ito dahil sa winning block ni Alfred Aroga kay Ravena.
Nagtala ng double-double si Aroga na 14 puntos at 12 rebounds habang may 12 puntos naman si Alolino upang dalhin ang koponan sa finals.
Ito ang kauna-unahang pagpasok sa finals ng Bulldog sa loob ng mahigit apat na dekada. GILBERT MENDIOLA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment