ISA si Coco Martin sa marespetong aktor sa industriya kaya napaka-unfair naman sa parte ng aktor ang isyung pinupukol ngayon sa kanya ng Gabriela Partylist at iba pang sektor.
Bagama’t hindi naman natin kinukuwestyon ang reklamo ng Gabriela tungkol sa para sa kanila ay hindi umano pag-respeto sa kababaihan ang ginawa ni Coco sa isa sa segment ng “The Naked Truth” last Sept. 20 sa MOA Arena kung saan rumampa ang aktor na may hawak na leash na nakatali sa leeg ng babaeng miyembro ng Canadian Circus Troupe. Pero sana ay inalam muna ng naturang militant women group ang totoong istorya at pangyayari bago nila hinusgahan si Coco.
Ang totoo dahil sa masyado nang ngarag sa halos araw-araw na taping para sa top-rating teleserye na Ikaw Lamang at iba pang commitments, hindi na nagawa pa ng aktor na usisain o palagan ang kanyang gagawin sa nasabing sexy fashion show ng Bench. Saka noong umattend pala ito ng rehearsal ng isang beses ay ‘yung role niya bilang Circus Ring Master lang ang pinagawa sa kanya at wala ‘yung foreigner na girl.
At nang malaman nitong may gagamitin siyang tali at hihilahin ang girl sa kanyang pagrampa, sa mismong rehearsal nila ay nag-attempt naman siya na kausapin ang namamahala sa production at choreographer ng The Naked Truth na majority ay mga foreigner at dahil hindi magkaintindihan at na-finalize na pala ang buong show, tumahimik na lang si Coco.
So, napakalinaw na walang intensyon ang Hari ng Teleserye ng Kapamilya network na bastusin ang modelong nakasama niya sa rampahan. Saka kung susuriing mabuti at nilawakan lang ng mga nagreklamo at iba pang mga nakisawsaw sa isyu, kitang-kita naman na ‘yung ginawa ng girl ay mapanonood mo sa Circus. Natural gagawa siya ng acrobatic act dahil isa siyang contortionist.
Well sa kaganapang ito ay humingi na ng paumanhin sa Gabriela ang Bench at sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay nag-apologize na rin ang may-ari ng Bench na si Mr. Ben Chan kay Coco at klinaro nito na ginampanan lang ni Coco ang role niya sa show at humihingi siya ng paumanhin sa pagkakasangot nito sa controversial issue. Nangako rin si Mr. Chan na hindi na mauulit pa sa susunod nilang event ang mga ganitong eksena.
Samantala, humihingi rin ng paumanhin at pang-una sa publiko ang alaga ni Sir Biboy Arboleda at nalulungkot talaga ito sa insidenteng dumating sa buhay niya na hindi niya inaasahan. Saka wala sa bokabularyo nito ang mamahiya siya ng tao.
Sa ngayon, sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Lorna Kapunan ay nakatakdang makipag-usap si Coco sa representative ng Gabriela Partylist na si Liza Masa at sa iba pang pumuna sa isyu. Dito ay makikita mo ang katapatan ng isang Coco Martin na sa kabila ng pagiging inosente ay nakukuhang magpakumbaba para maayos at maging matahimik na ang lahat.
Kasi kung may dapat na sisihin sa pagkakamaling ito, ‘yun ay ang Bench at sila ang dapat na managot dahil sila at mga taong may hawak ng event ang talagang maysala sa nasabing usapin at hindi ang aktor. Nagpapasalamat pala si Coco sa lahat ng mga taong dumamay sa kanya sa hinaharap na pagsubok sa buhay at nangunguna na ang kanyang fans, ang butihing manager na si Sir Biboy, ang Dreamscape family at ang ABS-CBN at syempre pa, ang buong pamilya at mga kaibigan. Go lang go Coco at hawak mo ang katotohanan gyud! WALANG KIYEME/PETER LEDESMA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment