NAKASUNGKIT na ng unang gintong medalya sa 17th Asian Games ang Pilipinas sa pamamagitan ni Daniel Caluag na ginaganap sa Incheon, Korea.
Nanguna si Caluag sa Men’s BMX race sa Ganghwa Asiad BMX Track, na tumakbo ng 52 kilometro northeast ng Athletes Village, na nagbigay ng kauna-unahang gintong medalya sa ating bansa.
Sa unang round, nagtala si Caluag ng 35.277 segundo upang manguna sa laban.
Sa second run, nagtala naman siya ng 35.366 segundo. Tinapos niya ang karera at nanguna sa itinala niyang 35.431 segundo sa third at final run.
Nakamit ni Caluag ang gintong medalya nang tapusin niya ang seeding run na may 35.486 segundo.
Si Masahiro Sampei ng Japan ang naka-silver medal habang si Zhu Yan ng China ang nagkamit ng bronze medal. GILBERT MENDIOLA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment