Saturday, October 4, 2014

Neneng umexit na, Ompong nagbabadya

NAKALABAS na ng bansa ang bagyong “Neneng” (International name: Phanfone) kaninang madaling-araw (Oktubre 4) pero isang bagong bagyo ang maaring pumasok sa bansa sa susunod na linggo.


Sa 5 a.m. bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), malayo na sa bansa ang bagyong Neneng at patuloy lumalapit sa southern Japan.


Pero kahit nasa labas na ng Philippine area of responsibility si Neneng, patuloy itong magdadala ng malalakas na alon sa hilaga at silangang baybayin ng northern Luzon.


Nakataas ang gale warning ng Pagasa sa Batanes, Calayan at Babuyan Group of Islands, hilagang-silangang bahagi ng Ilocos Norte, Cagayan, at Isabela.


Posibleng umabot sa 3.5 – 4.5 meters ang taas ng alon sa mga nasabing lugar kaya inaabisuhan ang mga mangingisda at may maliliit na bangka na huwag munang pumalaot.


Samantala, patuloy na kumikilos palapit sa bansa ang tropical storm na may international name na “Vongfong.”


Ayon sa Metra Weather System, posibleng pumasok sa PAR ang bagong bagyo sa Huwebes na tatawaging “Ompong.”


Kung hindi magbabago ang kilos, posibleng hindi rin ito tatama sa kalupaan at susunod lang din sa galaw ng bagyong Neneng patungong Japan.


Pero bago pa man pumasok sa bansa ang bagong bagyo, magpapatuloy ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong long weekend, lalo na sa southern Mindanao na apektado ng intertropical convergence zone o pagsasalubong ng hangin mula sa northern at southern hemisphere. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Neneng umexit na, Ompong nagbabadya


No comments:

Post a Comment