INALARGA ngayon ang manhunt operation ng mga sa dalawang bilanggo na nakatakas mula sa Bureau of Jail Management Penology (BJMP) sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.
Kinilala ang mga nakatkas na sina Anwar Ramain Sambigan at Mastura Hasan Gainad na nahaharap sa kasong carnapping.
Napag-alaman na noong Oktubre 1 pa nakatakas ang mga bilanggo ngunit hindi ipina-blotter ng BJMP-Isulan sa police station ng Isulan PNP upang itago ang nangyaring kapabayaan.
Ayon sa ulat, hindi nagpapaunlak ng panayam si Jail C/Insp. Marlon Robles, jail warden ng BJMP-Isulan, kaugnay sa nangyari.
Maging ang mga mamamahayg na tumatawag kay Robles ay binabaan nito ng kanyang telepono. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment