Wednesday, October 1, 2014

MRT tumirik, 4 na sasakyan nagkarambola sa EDSA-Santolan

NAGKARAMBOLA ang may apat na sasakyan sa EDSA-Santolan kasabay ng pagtirik ng biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) sa EDSA-Santolan sa Quezon City kaninang umaga, Oktubre 1.


Alas-5:31 a.m. nang mawalan ng preno ang Taguig Metro Link Bus sa northbound ng EDSA na malapit sa Gate 3 ng Camp Aguinaldo.


Inararo ng bus ang isang Mitsubishi Mirage na nasa harapan at sinuwag naman ng kotse ang nasa harapan na puting pick-up truck na siyang bumangga naman sa isa pang Ford Expedition.


Pinakanapinsala ang Mirage na wasak ang likod at harapan.


Pagtatangol ng bus driver na hindi nakuha ang pangalan, nasa 40 kilometers per hour (kph) lang ang paandar niya.


Wala namang nasugatan sa insidente subalit nagdulot ito ng mabigat na trapiko mula sa Ortigas flyover.


Samantala, may 15-minutong tumirik ang tren ng Metro Rail Transit (MRT) na pa- southbound lane sa tapat ng Gate 3 ng Armed Forces of the Philippines sa EDSA Santolan station dakong 7:20 ng umaga.


Habang nakahinto, kapansin-pansin ang pagpaypay ng mga pasaherong nakasakay sa bagon na tila nawalan pa ng aircon.


Makikita ring panay ang pagradyo ng operator ng tren hanggang sa umandar na ito makalipas ng ilang minuto. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



MRT tumirik, 4 na sasakyan nagkarambola sa EDSA-Santolan


No comments:

Post a Comment