PINABULAGTA ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang dalawang sundalo at isang sibilyan sa Gumaca, Quezon nitong Martes ng gabi, Setyembre 30.
Dead-on-arival sa Gumaca District Hospital ang mga biktima na sina Private First Class Christopher Antonio Dingle, 31, at PFC Alpasain Ahamil Ikan, 32, kapwa miyembro ng Arrmy’s 85th Infantry Battalion at isang nagngangalang Rosalie Brillantes.
Hinahanting na ngayon ng awtoridad para panagutin sa krimen ang mahigit sa limang rebelde na tumakas sa kabundukan ng Villa Tañeda.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 7 p.m. sa loob ng isang kubo sa Bgy. San Vicente.
Bago ito, nagkukwentuhan ang mga biktima at iba pang residente nang biglang sumulpot ang mga rebelde at pinutukan ng baril ang naturang kubo saka tumakas.
Sinabi naman ni Colonel Roderick Parayno, commander ng 201st Infantry Brigade na nakabase sa Quezon, ang pag-atake ay upang makabawi sa nakubkob na mga lugar ng mga rebelde.
Bukod pa rito, sinabi rin ni Parayno na ang tunay na pakay ng NPA ay upang sindakin ang mga local villagers para sapilitang mabawi ang kanilang suporta. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment