SASAMPAHAN ng kaso ng opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang FHM model na gumamit ng kanyang business card para makalusot sa isang traffic violation upang bigyang-diin na hindi kinokonsinte ng pulisya ang ganitong gawain.
Gagawin umano ang pagsasampa ng kaso matapos makauwi ngayon araw ang PNP official mula sa seminar nito sa Malaysia.
Ayon kay C/Supt. Alexander Ignacio, nakipag-ugnayan na siya sa PNP legal service at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa magiging proseso ng paghahain ng demanda laban sa modelong si Alyzza Agustin.
Matatandaang kumalat sa Internet ang larawan at caption ng Facebook post ni Agustin na nakasaad ang pahayag nito na dinakip siya ng isang traffic enforcer dahil sa number coding ngunit agad siyang pinalusot matapos ipakita ang calling card ng heneral.
Nakasulat kasi sa umano’y business card ni Ignacio ang mga salitang “Pls assist my EA Alyzza Agustin” at pirmado pa sa ibabang bahagi. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment