KINASUHAN ng Ombudsman ng malversation at graft complaints sina dating House Speaker Prospero Nograles, Candido Pancrudo, Jr., Thomas Dumpit, Jr. at dating Agriculture Secretary Arthur Yap kaugnay ng pagkakasangkot ng mga ito sa pork barrel fund scam.
Nag-ugat umano ito sa iligal na paggamit ng P163.2-million para sa ilang proyekto.
Damay din sa kaso ang ilang opisyal ng implementing agencies na sinasabing nagkaroon ng papel sa mga transaksyon.
Sinasabing inimbestigahan ito ng field investigators ng Office of the Ombudsman matapos makitaan ng bigat ang mga expose laban sa naturang mga indibidwal. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment