LUMABAS na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong si Neneng patungong Southern Japan.
Ayon kay PAGASA forecaster Samuel Duran, huli itong namataan sa layong 1,400 kilometro sa Silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 175 kph at pagbugsong 210 kph.
Patuloy pa rin ito sa kanyang direksyong pahilagang-kanluran sa bilis na 20 kph.
Pero kahit papalayo na sa PAR, pinalakas naman nito ang North easterly wind kaya asahan ang malalaking alon sa eastern seaboard na mapanganib sa maliliit na sasakyang pandagat. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment