Sunday, October 5, 2014

MGA SUROT SA PUWIT NI PNOY

ANO kayang lotion ang ginagamit ni Don Benigno Aquino 3rd sa kanyang katawan?


Mukhang lahat ng kumakagat sa kanya ay balewala. Sa bawat kagat, sa halip na umaray, ituturo ang mga nagdaang lider na may gawa niyon.


Noong bumalik siya mula sa Europe at America, panay ang pahayag ng kanyang mga tuta na nakakuha siya ng mahigit dalawang bilyong dolyar na pamumuhunan daw ng mga dayuhan. Nakapagtataka lang, ni isang larawan ng pirmahan ng kasunduan, wala siya o sila na naipakita kahit minsan sa isang buwan sa diyaryo.


Mas lutang pa nga ‘yung bumili siya ng mga armas, pero aksesorya lang daw, sa isang gun store sa America. Gumawa rin siya ng mala-EDSA na trapiko sa Manhattan nang gutumin siya at kumain sa McDonald!


Tikom din ang bibig ng kanyang mga trumpeta sa totoong nangyari habang nasa Europe at America siya. Habang ginigisa niya ang walang katapusang pambabastos, panlalait sa kanyang teacher Gloria Macapagal-Arroyo, daan-daang Filipino ang nagrarali sa loob at labas ng okasyon niya.


Maski sa United Nations na ipinagyabang na tagapagsalita siya, nagsinungaling si Don Benigno. Hindi sa buong kinatawan ng United Nations nang siya ay magsalita kundi sa isang komite na ayaw makinig sa kanya!


Salamat sa mga NETIZEN na nagposte ng totoong nangyari sa P40-milyong ginastos niya sa huling biyahe. Walang napala si Don Benigno kundi ang pasayahin ang sarili niya sa patuloy na pangungutya niya sa kanyang dating titser – si PGMA.


Bilib lang tayo kay PNOY at sa kanyang “Daang Matuwid”. Malinaw na ang kahulugan ng kalsada niya. HINDI NIYA IIWAN, HINDI NIYA PABABAYAAN, HINDI NIYA PAKAKAWALAN ang sinoman sa kanyang mga opisyal na sangkot sa mga gawaing dorobo, pangingikil at mga katiwalian – “Daang Matuwid” nga!


Si PNP chip munk Alan Purisima, sabit sa korapsyon at plunder. Pero nang humarap sa Senado, magkatono sila ni Don Benigno na ang bumabanat lang daw sa kanya ay mga may baluktot na gawi at naapektuhan ng paglilinis niya sa PNP?


Sabit din sa Ombudsman si DOTC pitik Jun Abaya dahil sa inutil na pamamahala sa ahensiya. Sapul si Francis Pangilinan at bata niyang si Juan sa pangingikil umano sa isang negosyante ng bigas. Nagpipista ang mga dayuhang minero kahit iligal dahil bayad na sila sa DENR.


Lahat halos ng ahensya may sabit. Matatag dahil si PNoy mismo ang abogado nila.


Totoo nga ang “Daang Matuwid” niya. Walang matitibag sa kanyang tropa. Sila ang mga tunay na SUROT SA PUWIT NI PNOY! BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



MGA SUROT SA PUWIT NI PNOY


No comments:

Post a Comment