ANG tagal din bago muling gumawa ng soap si Christian Bautista. Halos mag-iisang taon na ang nakalipas mula nang huli siyang mapanood sa morning series na With A Smile kung saan nakasama niya sina Andrea Torres at Mikael Daez.
Ngayon balik acting siya sa primetime series ng GMA na Strawberry Lane kung saan bida sina Bea Binene, Joyce Ching, Kim Rodriguez at Joanna Marie Tan. Younger brother nina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon ang role niya.
“Ako ‘yong pumapagitna para ipagbati ‘yong dalawa (characters nina Sunshine at Sheryl) dahil lagi silang nag-aaway,” aniya.
“Kasi namatay ang anak ni Sheryl dahil kay Sunshine na hindi naman sinasadya. So umuwi ako sa Pilipinas para mamagitan sa away nila. It’s different kasi sa totoong buhay panganay ako. So ang adjustment ko ngayon, dapat mas masunurin. Dapat mas under nang konti.
“I like the role kasi parang peacemaker ba. Na lagi akong nasa gitna.”
Naging mapili ba siya sa role o sa seryeng kanyang tatanggapin?
“Actually in phases ‘yong ginagawa ko, e.
“Sometimes merong album, sometimes merong theater. Sometimes merong acting.
“So ngayon, sabay. I’m doing Strawberry Lane, Marian, and Sunday All Stars. And then I’m also recording an album na lalabas next month. It’s under Universal Records. It’s gonna come out very very soon. Tinatapos ko pa ang recording nito. Hindi pa rin naming alam kung ano ang magiging carrier single. Pinakikinggan pa namin ‘yong mga songs.
“Twelve songs ang laman ng album. All covers and all love songs. Parang it’s a concept album din na puro cover ngayon.”
Wala nang dapat pang patunayan si Christian kung pagiging mahusay niyang singer ang pag-uusapan. Sa acting naman, nagagawa niyang gampanan nang maayos ang bawat character na ipinu-portray niya.
Open din kaya siya na gumanap ng off-beat roles? ‘Yong bad boy naman ang dating?
“Yeah! Pinangarap ko rin ‘yan. Hindi ko pa lang alam kung kalian. Siguro sa isang indie film.”
Anong klaseng off-beat role kaya ang gugustuhin niyang i-portray?
“Itodo na natin…serial killer, ganyan!” sabay tawa ni Christian.
“Ewan ko! Hindi ko alam. Kasi… kahit na off-beat, dapat bagay pa rin, e. Kung off-beat na super-off, parang… hindi na. Hindi pwede.
“Kailangang aralin mo talaga lahat. ‘Yong chemistry ninyo ng kapartner mo, ýong script… lahat.”
Mga roles na daring o sexy gaya ng…boy toy halimbawa?
“Ang sagot naman lagi diyan is… depende sa script. Depende sa script.’Yong role naman, it could be anything.”
Pero hindi pa nga siya nakagawa ng role na medyo sexy, ‘di ba?
“Hindi pa. Kasi… lumampas na ‘yan, e. No’ng nag-Bench ako at Cosmo a few years ago.
“So iyon ang naging parang sexy phase. Tapos music ulit.”
“’Yong pagsubok ko sa sexy image dati, ano lang ‘yon, e… parang I wanna prove to myself that I can do it. And hindi rin naman pwede na ‘yon lang nang ‘yon. Dapat laging iba-iba.
“Ayoko namang ma-label na…sexy si Christian, dapat ‘yon lang. Dapat pwede ring mag-adjust.
“Kasi also, if you get too sexy naman, hindi mo na makukuha ever ‘yong mga wholesome roles. Hindi ka na makakabalik do’n.
“May metro ‘yan. ‘Yong iba ro’n sila magaling. ‘Yong iba… rito.
“Gusto ko naman medyo parang sumusundot kahit saan.”
Kaibigan niya sina Eric Santos at Angeline Quinto, ano ang feeling niya sa balitang mag-on na ang dalawa? “A… yes! Hindi ko pa naku-confirm sa kanila kung ano ba talaga. Pero ang last na nakita ko sila together… sa Star Magic Ball.
“E… friends naman kami lahat.
“Nakatutuwa lang kasi si Angeline came from the singing contest na kaming dalawa ni Sharon (Cuneta) ang hosts. Tapos ngayon they’re (Eric and Angeline) are together. Anything talaga can happen.
“From a fan of Sharon, to a contestant, to a singer. And now she’s with Eric Santos.
“Nakatutuwa lang. Pwede pala talagang mangyari,” panghuling nasabi ni Christian. RUB IT IN/RUBEN MARASIGAN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment