UPANG patunayang hindi mansion o mala-palasyo ang kanyang itinayong bahay, ipinasilip na kaninang umaga, Oktubre 6, ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima sa mga miyembro ng media ang kanyang P3.7-milyong halaga ng bahay sa San Leonardo, Nueva Ecija.
Nagsimulang dumating ang mga media teams na lulan sa 18-vehicle convoy sa labas ng compound ng kontrobersyal na mansyon ni Purisima pasado 10 ng umaga para masilayan ang kontrobersyal na mansyon na may sukat na 204 sq. meters ay nakapaloob sa 4.7 ektarya ng lupa.
Hinati sa dalawang grupo ang media representatives na ang first batch ay kinabibilanbgan ng mga photographers at representante mula sa online at print media.
Ang second batch naman ay kinabibilangan ng mga representante mula sa radio at television, ayon pa sa ulat.
Ayon sa ulat, ang bahay ni Purisima ay malayo sa main highway sa Bgy. Magpapalayok, at napapaligirin ito ng puting bakod at may nakalatag na barbed wire.
Ang market value lamang ng bahay ni Purisima ay P2.3-milyon habang ang kabuuang halaga ng ari-arian ay P3 – P4-milyon lamang. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment