Monday, October 6, 2014

Kargador sa palengke tigbak sa katrabaho

AGAWAN sa kustomer ang sinisilip na motibo ng pulisya sa pagpatay sa isang kargador sa palengke sa Quezon City nitong Linggo ng gabi, Oktubre 5.


Nagtamo ng tatlong saksak sa katawan at namatay noon din ang biktimang inilarawang 30-33-anyos naka-asul na sumbrero, stripe na t-shirt, shorts at naka-tsinelas lamang.


Nakatakas naman at ngayon ay pinaghahanap na ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang hindi nakikilalang suspek na kargador din sa palengke.


Sa ulat, naganap ang insidente pasado alas-10 nitong Linggo ng gabi sa tapat ng isang supermarket sa may Efipanio delos Santos Avenue (EDSA) Balintawak, sa Bgy. Apolonio Samson, Q.C.


Ayon sa nakasaksing si Benjoe, tindero sa lugar, nagkakarga ng mga pinamili sa sasakyan ng kanyang kustomer ang biktima nang biglang pagsasaksakin ng suspek.


Bagama’t sugatan, hinabol pa ng biktima ang sumaksak sa kanya ngunit bigla itong sumubsob sa harapan ng parking space ng Savemore supermarket sa EDSA, Balintawak. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Kargador sa palengke tigbak sa katrabaho


No comments:

Post a Comment