Monday, October 6, 2014

3 anak, biyenan kinatay ng ama saka nagpakamatay

SA mismong kaarawan ng kanyang panganay na anak, minasaker ng isang ama ang kanyang tatlong anak at biyenan saka nagpakamatay sa Cebu nitong Linggo ng hapon, Oktubre 5.


Pawang nagtamo ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang magkakapatid na sina Estephanie 6, John Eric, 4, at Erica Lynn 2, at ang kanilang lolang si Imelda Mulat, 47.


Matapos ito, natagpuan naman ang suspek na si Eric Figues, 27, na wala ng buhay dahil sa saksak sa dibdib na hinihinalang nagpakamatay matapos ang krimen.


Sa ulat, naganap ang insidente sa pagitan ng ala-1 hanngang alas-2 nitong Linggo ng hapon sa mismong bahay ng pamilya Figues sa Sitio Manlayag, Bgy. Panalipan sa Catmon, Cebu.


Ayon sa imbestigasyon ng Catmon PNP, bago ang insidente ay umuwi si Estephanie sa kanilang bahay para sunduin ang kanyang tatay at dalawang kapatid.


Nabatid na kaarawan ni Estephanie ng araw na iyon at may kaunting salo-salo sa bahay kanyang lola.


Hindi na nakabalik pa si Estephanie sa bahay ng kanyang lola dahil pinagsasaksak na ito ni Figues at ang kanyang dalawa pang anak.


Napasugod naman ang mag-asawang Mulat sa bahay ng kanilang manugang nang marinig ang paghingi nito ng tawad.


Pero sa bungad pa lang ay sinaksak na agad ng suspek ang kanyang biyenan na si Imelda at maging ang kanyang biyenan na lalaki pero nakatakbo ito at hindi napahamak.


Nang dumating ang mga pulis, nadatnan na lamang ang suspek na patay na.


Wala naman sa bahay ang ina ng pamilya dahil nagtatrabaho sa Lapu-Lapu City.


Lumalabas sa pagsisiyasat na sa sobrang selos at bilang ganti sa kanyang misis kaya nagawang patayin ng suspek ang kanyang mga anak at biyenan.


Pinaniniwalaang din na lango sa droga ang suspek nang gawin ang krimen. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



3 anak, biyenan kinatay ng ama saka nagpakamatay


No comments:

Post a Comment