Saturday, October 4, 2014

Malamig na temperature, ibinabala na

WALA na ang pag-iral ng Habagat dahil papasok na sa ‘transition period’ ang bansa patungong Amihan season, na magdadala ng paglamig ng temperatura.


“Pagkamatay nitong Habagat, e, ayan na itong last week ng October o first week of November, papasok naman ‘yung tinatawag nating Amihan,” pahayag kaninang umaga (Oktubre 4) ni PAGASA weather forecaster Jori Loiz.


Bagama’t sa ngayon ay mahina na ang epekto ng Habagat sa bansa at posibleng mawala na rin ito sa mga susunod na linggo, tanda ito na wala pa sa transition pa-Amihan dahil mataas pa ang naitatalang temperatura sa bansa.


Pero dagdag ni Loiz, makakatulong sa pagbaba ng temperatura ang pagtatapos ng equinox dahilan para mabilis na umalis ang init sa lupa at unti-unting paghaba ang gabi.


Pauna ni Loiz, sa pagpasok ng Amihan, asahan ang pag-ulan sa silangang bahagi ng bansa at malamig na hangin sa Kapaskuhan. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Malamig na temperature, ibinabala na


No comments:

Post a Comment