Monday, October 6, 2014

MALINIS ANG KONSENSYA KO – GEN. PURISIMA

TAMA ang ginagawang pagpapaliwanag ni Dir. Gen. Alan Purisima para malinis ang kanyang pangalan sa kaliwa’t kanang akusasyon.


Ang pagharap sa Senado na sinundan ng press conference sa Camp Crame ay malaking tulong para masagot ang mga ibinabatong isyu.


Halimbawa’y ang sinasabing ari-arian sa Nueva Ecija na naunang iniulat na mansyon, subalit ito’y pangkaraniwang bahay lang pala.


Pero ang pahayag ng PNP chief na ‘pangkaraniwang simpleng bahay lang’ na nagkakahalaga ng mahigit P3-million ay dapat niyang patunayan.


Hindi sapat ang imbitahin lang ang media para makita ang kanyang bahay sa Nueva Ecija at mapatunayan ang kanyang mga sinasabi.


Ang gawin ni Gen. Purisima ay kumuha ng mga expert sa property assessment at isailaim sa assessment ang kanyang bahay.


Ang findings ng mga eksperto na ito ang gawin niyang ‘bala’ o ebidensya sa pagsagot at pagpapaliwanag sa kanyang mga accuser.


Gayundin ang gawin sa mga ibang isyung ikinakabit sa kanyang pangalan.


Kapag nasagot nang maayos ang mga maanghang na bintang, tiyak na tatahimik ang kanyang detractors at ‘di na muling sisigaw ng ‘resign.’


Malinis ang konsensya ko – ika nga ni Gen. Purisima sa pagpapasinungaling sa mga isyung ibinabato ng mga humihingi ng kanyang pagbibitiw.


Pero kailangan niyang patunayan – hindi sa salita, kundi kailangang magpakita ng kongkretong ebidensya na magpapatunay na siya’y malinis bilang hepe ng pambansang kapulisan.


BAKLAYAN SA TUY


Inirereklamo ng mga taga-bayan ng Tuy sa Batangas ang baklayan (sakla) sa Bgy. Malibu na ino-operate umano ng isang Aling Lileth.


Kahit mga bata ay pinapayagan umanong maglaro kaya ang panawagan kay Mayor Jay Cerado ay ipahinto ang operayon nito.


Matagal na umanong inirereklamo ito pero sadyang napakalakas ang operator na si Aling Lileth sa police chief ng Tuy at head ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng lalawigan ng Batangas.


Mayor Cerado, kumilos ka naman. CHOKEPOINT/BONG PADUA


.. Continue: Remate.ph (source)



MALINIS ANG KONSENSYA KO – GEN. PURISIMA


No comments:

Post a Comment